Maraming estudyante ang hinihintay ang Semetrial break o sembreak. ‘Yung iba, nagdedesisyon na magbakasyon, magbeach, mamasyal at maraming pang iba. Tunay ngang iba ang saya ng mga estudyante dahil pinapahinga nila ang mga utak at sarili sa pag-aaral, kumbaga walang stress.
Noong una, marami na akong balak para sa darating na sembreak. Balak ko sanang umuwi sa probinsya at makasama ang mga kamag-anak ko roon. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin na dadaplis sa aking balat. Gusto ko ring takasan ang maingay at magulong syudad na pinanggalingan ko.
Ngunit meron din namang iba na hindi nila mararanasan ang sembreak, tulad ko. Dahil sa ginaganap na training para sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Ilagan City. Sinasanay kami para mas mahasa pa ang aming mga kakayahan. Nagsasagawa ng mga writeshops at workshops para masanay ang mga estudyante. Sinusubok din an aming alisto sa oras.
Ngunit kahit ganon, hindi parin masasayang ang sembreak na ito dahil mas lilinangin pa nito ang aming abilidad. Nang sa ganon mas magiging handa kami sa darating na kompetisyon at sa maiuwi naming ang panalo. Kahit na yung iba naming nga kaklase ay masayang nagbabakasyon, mas pipiliin ko itong gawin dahil ako din ang makikinabang dito.
KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS
Leave a Reply