Bawat isa ay may angking talino at abilidad na tinataglay, mayroong magaling sa pagsayaw at pagkanta, magaling sa pagpinta, at mayroon din sa pagsusulat ng mga balita sa pahayagan. Taglay ng bawat isa ang mga abilidad na ito kaya dapat ay mas mahasa pa ang kanilang mga sarili.
Taon-taon, isinasagawa ang Regional Schools Press Conference o RSPC na ang ibig sabihin ay ang paglaban-laban ng iba’t-ibang paaralan sa buong Rehiyon 2. Ito ay dinadaluhan ng mga estudyanteng may angking talino sa journalism.
Ang mga kalahok ng Cauayan City sa darating na RSPC ay nagsimula ng magkaroon ng matitinding ensayo na pinangungunahan ng mga batikan sa larangan ng journalism. Talagang matinding ensayo ang pinagdaraanan ng mga kalahok dahil sinusukat ang kanilang dedikasyon, time-management, Teamwork at disiplina.
Gusto ng Cauayan City na masungkit muli ang tagumpay at hindi mababago ang kanilang puwesto. Handa na muli ang lungsod sa paparating na laban na gaganapin sa lungsod na Ilagan sa susunod na buwan.
KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS
Leave a Reply