Semestrial Break na! Nasasabik ka na ba?

Kapag Semestrial Break karamihan sa mga mag-aaral ay nasasabik. Dahil bakasyon nanaman at madami nanaman silang oras para makapaglaro. Mayroon ding nalulungkot dahil ayaw nilang magtagal sa kanilang sari-sariling tahanan.

Noong una ang inaasahan kong Sem-Break ay nakakabagot lamang dahil wala akong inaasahang mga training na ganito.Ang training na magagamit ko sa maraming bagay hindi lang para sa kompetisyon pati narin sa mga gawain sa paaralan.

Ang Sem-Break ko sa unang taon ko sa mataas na paaralan ay masasabi lamang sa tatlong salita : masaya at nakakasabik.Masaya sa paraang natututo ako habang nagbabakasyon at nakakasabakik naman sa paraang madami-rami kaming natututo.

Masasabi ko ding ang Sem-break ko ay kulang sa tulog ko dahil sa mga kaibigan kong maiingay magdamagang Video Call at paguusap, kahit na malayo kami sa isa’t-isa pakiramdam namin magkakasama padin kami.

Ang Sem-break na’to ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa aking Senior High School(SHS) ko dahil sa mga nangyayari sa linggong ito. Hindi man ito ganoon kasaya sa inaasahan ng karamihan ngunit puno naman ito ng mga kaalaman at mga kabuluhang mga gawain.

Ang ibang araw ng Sem-break ko ay hindi naman ganoon kahalaga, ang balak ko sa mga araw na iyon ay ang magpahinga ng maayos,bumawi sa lahat ng puyat ko at pagod ko.Uuwi ako sa Echague upang mabigyan ko naman nang oras ang aking pamliya at mga alaga ko sa bahay.

Kaunti man ang oras ko para makasama sila sisiguraduhin kong magiging masaya iyon, bilang panganay papasayahin ko sila. Hindi ko man sila makasama ng matagal, gusto kong maipadama sa kanila na mahal na mahal ko sila bilang Kuya nila at tumatayong Tatay sa kanila.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Sembreak ko, ikabubuti ko!

Maraming estudyante ang hinihintay ang Semetrial break o sembreak. ‘Yung iba, nagdedesisyon na magbakasyon, magbeach, mamasyal at maraming pang iba. Tunay ngang iba ang saya ng mga estudyante dahil pinapahinga nila ang mga utak at sarili sa pag-aaral, kumbaga walang stress.

Noong una, marami na akong balak para sa darating na sembreak. Balak ko sanang umuwi sa probinsya at makasama ang mga kamag-anak ko roon. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin na dadaplis sa aking balat. Gusto ko ring takasan ang maingay at magulong syudad na pinanggalingan ko.

Ngunit meron din namang iba na hindi nila mararanasan ang sembreak, tulad ko. Dahil sa ginaganap na training para sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Ilagan City.  Sinasanay kami para mas mahasa pa ang aming mga kakayahan. Nagsasagawa ng mga writeshops at workshops para masanay ang mga estudyante. Sinusubok din an aming alisto sa oras.

Ngunit kahit ganon, hindi parin masasayang ang sembreak na ito dahil mas lilinangin pa nito ang aming abilidad. Nang sa ganon mas magiging handa kami sa darating na kompetisyon at sa maiuwi naming ang panalo. Kahit na yung iba naming nga kaklase ay masayang nagbabakasyon, mas pipiliin ko itong gawin dahil ako din ang makikinabang dito.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Gipit sa Pera? Basahin mo ito aasenso ka!

Ang pag-iipon ng pera ay mabisang paraan para maiwasan ang pagkagipit ng pera.Batay sa 2017 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP), 60% ng mga kabataan ay walang bank accounts 21% naman ang nagsasabing hindi nila ito kailangan habang 18% naman ang kulang sa kinakailangang dokumento para magbukas ng bank account.

Sa Senaryong ito,napakalaki ng porsyento sa mga kabataan ang hindi nakakapagipon. Dahil ba sa luho? Dahil ba sa bagong labas na Gadyet? Kating kati ka na bumili? Marami tayong paraan para makapag-ipon gaya ng piggy bank, at pagiipon ng pera sa kawayan at iba pa. Sa panahon ngayon laganap na ang kahirapan, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng sweldo ng karamihan. Kaya naman epektibo ang mga tips na ito para sa pagiipon:

  • Sahod-Ipon=Gastos-sa senaryong ito dapat kada sahod mo dapat na magtabi ka kahit na magkano, sa paraang ito makakapagipon ka ng mabilisan.
  • Gumastos ng maayos- sa senaryon ito dapat ang pagkakagastusan mo lang ay yung pangangailangan saka na yung kagustuhan kapag mapera kana o mayaman na.
  • Maghanap ng Extra Income- subukan mong pumasok sa Online Selling o kaya magbenta ka ng mga luma o hindi mo na ginagamit .

Habang bata pa mag-ipon na tayo, masasabi kong kasanayan ang pag-iipon. Ang ugaling ito ay produkto ng magandang disiplina sa sarili. Lahat ng tao lalo na kabataan dapat mag-impok, sang ayon nga sa kasabihang “Kapag may sinuksok may madudukot” Para naman sa kabatan dapat mag-ipon kayo para may magamit sa oras ng kagipitan o paghihirap.

Karamihan kasi ngayon sa kabataan ay Gastador sa ibang salita kapag nakahawak ng pera, gastos kaagad. Bakit nga ba pera ang iipunin? Sa panahon kasi ngayon, pera ang makapangyarihan,pera ang ginagamit sa anumang aspeto ng kalakalan.Sa Economics,tinatawag itong Universal Passport.

Kung may pera ka, magaan ang iyong pamumuhay.Mabibili mo lahat ng iyong pangangailangan at kagustuhan.”Kabatan ang pag-asa ng bayan” ika nga ni Gat Jose Rizal. Naniniwala kasi siyang kabataan ang mangunguna sa pagbabago bakit ‘di natin patunayan hindi ba?

 

 

CD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

“Work-from-home” Bill, inaprubahan na ng senado at House of Representatives

Ang Telecommuting Act of 2017 o kilala bilang “Work-from-Home” Bill ay ikinasa  na ng senado at house of representatives noong ika-22 ng Oktubre, taong 2018.

Magkakaroon na ng oportunidad ang mga manggagagawang Filipino na makapagtrabaho sa loob ng kani-kanilang tahanan sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng kompyuter na nakakonekta sa punong opisina ng kompanya dahil naaprubahan na ng senado at house of representatives ang “work-from-Home” Bill.

Naglalayong magbigay ito ng pagkakaroon  ng balanseng oras sa mga manggagawang Filipino sa pamamagitan ng paggamit sa oportunidad na pamahalaan ang kanilang oras sa pagtratrabaho.

Sa kasalukuyan, ang Telecommuting Act of 2017, hinihintay na lamang ito na mapirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte upang ito ay maging isang legal na batas ng bansang Pilipinas.

Inaaanyayahan ng kautusang ito ang mga manggagawang Filipino na ikonsidera ito, kung saan makakatulong ito sa kanila na kontrolin ang oras sa pagtratrabaho na kung saan maaari pa silang magtrabaho sa labas ng opisina na hindi na kinakailangan pang mag-commute.

Ayon sa gumawa at isponsor ng Telecommuting Act of 2017, na si Senador Joel Villanueva, ninanais ng kautusang ito na ipromota ang pagbabawas ng sasakyan sa traffic congestiom na nagaganap at pati narin ang pagkakaroon ng work-life balance ng bawat manggagawang Filipino sa ating bansa.

 

JB| G11 ABM -B| CCNHS

Cauayan City, kinilalang “First Smart City” sa pagpapatupad ng Online Billing and Payment

Ikinasa ng lungsod ng Cauayan ang pagbabayad ng mga Cauayeños ang kani-kanilang buwis online. Sinimulan ang pagpapatupad ng online billing and payment for real property taxes, ngayong ikatlong quarter ng taong 2018.

Isinagawa ang aksiyong ito, sa kadahilanang may mahabang listahan ng reklamo patungkol sa walang katapusang pila sa pagbabayad ng mga buwis. Ang proseso ng pagbabayad ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-login sa website ng lungsod ng Cauayan.

Bagama’t hindi lahat ng Cauayeño ay malakas na koneksyon sa internet at ideya kung papaano gamitin ang internet sa pagbabayad ng buwis, hindi maikakailang ang pagpapatupad ng pagbabayad ng buwis online ay isang kadahilanan upang mabawasan ang abala sa pagbabayad.

Sa pagpapatupad ng online billing and payment for real property taxes , nakakatulong ito sa pagiging kauna-unahang  Smart City sa probinsiya ng Isabela. Ang website ng lungsod ay matatagpuan sa onlineprt.cityofcauayan.gov.ph.

 

JB| G11 ABM B| CCNHS

Epekto ng makabagong teknolohiya: Sa bagong henerasyon sumisira

Ngayong taong kasalukuyan, ang ating buhay ay nakasalalay na sa teknolohiya. Nagagamit ito sa bahay, sa eskuwela at sa marami pang iba. Tunay ngang tinatangkilik ng mga tao ang paggamit nito dahil mas napapadali at mas napapagaan ang mga gawin.

Ang mga batang may edad ng dalawang taong gulang pataas ay kinamulatan na ang teknolohiya. Kasama na nila ito sa paglaki. Imbes na maglaro at makipaglaro sa ibang bata ay mas pinipili nilang magkulong sa bahay at maglaro ng gadgets. Minsan pa’y hindi  na nila nagagawa ang kanilang mga responsibilidad.

Ayon sa doctor, inilabas ng pag-aaral na 30% ng madalas gumagamit ng gadyet ay nagiging ‘obese’ o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high blood, o heart attack. Maaari ring humina ang pag-unlad ng memorya at kakayahang magpokus ng bata. Dulot ito ng kawalan  ng mga panahong matuto sa ibang bagay.

 

“Ang brain development ng bata early on, nakapakabili. As the child is growing, kailangan ng stimulation, and the main one would be environmental.  Environment would include touch, social human interaction, movement nature.  ‘yon ang nawawala pag naggagadyet sila” ayon kay Reysio-Cruz

Dr. Mark Reysio Cruz Photo Credits to: twitter.com
Dr. Mark Reysio Cruz Photo Credits to: twitter.com

Kapag inalis ang gadget mula sa bata, mainam na mas bigyang pansin ang mga aktibidad tulas ng paglalaro ng sports, pag-aaral ng mga ibat-ibang musical instruments, o kaya nama’y hikayatin ang mga batang magbasa at matuto sa sining gaya ng pagguhit o pagpinta. Makakatulong ang mga ito para malawak at mapaunlad ang murang pag-iisip.

Bata, batang nakakaawa dahil sa murang edad palang ay nahaharap na niya ang mundo ng teknolohiya. Ayaw mo bang maranasan ang mga panahong pupunasan ka ng iyong ina ang iyong pawis dahil galing ka sa arawan? Ayaw mo bang maranaan ang magkaroon ng maraming kaibigan? Imulat ang mata, huwag kang magpapabulag sa teknolohiya.

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS
Continue reading “Epekto ng makabagong teknolohiya: Sa bagong henerasyon sumisira”

Bambanti puno ng ngiti

Ang bamabanti ay ipinagdiriwang tuwing katapusan ng Enero. Ang bambanti ay nagsimula sa ilcanong salita na ang ibig sabihin sa ingles ay “Scarecrow”. At ang bambanti ay nagging simbolo ng magandang ani ng Isabela.

Ngayong taon ipinagdiriwang muli ang nasabing pagdiriwang may temang “Isabela kong mahal” masasabing ito ay napaka engrande  dahil sa naggagandahang palamuti at kasuotan ng mga kalahok sa iba’t ibang paligsahan.

Bawat taon nagiging matagumpay ang bawat pagdiriwang. Dahil ang bawat Isabelino’s ay masaya pati narin ang mga turista na abot tenga ang mga ngiti. Sa pagdiriwang may iba’t ibang paligsahan tulad ng Battle of the Bands, Pageant, at higit sa lahat ang street dancing at showdown,ang inaabangan ng karamihan.

Paano ko pa ba pasasayahin? kung ako ang magiging organizer ng darating na pagdiriwang dadagdagan ko ang mga exhibit,paligsahan at show tulad ng Puppet show, nakapaloob dito ang alamat at kasaysayan, Cultural Dance Competition, nakapaloob dito ang mga cultural dance at Grand Arts Exhibit.

Nakapaloob dito ang mga artworks ng bawat siyudad ng Isabela. Sa paraang ito mas sasaya ang mga isabelinos. Magigigng paraiso ang probinsiyang Isabela.

Sinabi sa Pilipino Star NGAYON  ni Isabela Governor Faustino “Bojie”  Dy III na nalampasan ng mamayang Isabelino ang iba’t ibang sigalot sa lipunan maging ito man ay gawang tao o likas na nagdaang 2017 kaya patuloy ang martsa ng lalawigan  sa tugatog ng kaunlaran.

Ang pagdaraos ng Bambanti Festival ay kapapalooban ng socio-cultural ,aktibidad sa turismo, at sining gaya ng mga exhibit  sa iba’t ibang lugar sa kapitolyo ng Ilagan. Sa kabila ng mga kaganapan sapat  na baa ng mga ito?

CD|G11 STEM-A| CCNHS

Paskong Darating; Gaano kamahal ang pasko ng Cauayeño?

 

Lumalamig na ang panahon ngayon dahil palapit ng palapit na ang pasko. Kasama na sa kultura nating pilipino na ang maghanda para sa pasko. Ito ang paraan natin para magsama-sama  ang pamilya pagsapit ng noche buena.

Nasasabik na ang mga bata na sumama sa pagbili ng  pang-noche buena. Ngunit magigng masaya ba ang pasko kung ang mga presyo ng bilihin ay tataas? Ano nalang ang mabibili niyo kung nagtaas ng 10% hanggang 15% ang presyo ng mga bilihin?

Ayon sa DTI (Department of Trade and Industry) , hinihikayat nila ang mga mamayang pilipino na bumili na ng mas maaga ng mga kakailanganin sa pasko. Ang “Rolling Stores” kung saan ibinebenta ang murang bigas ng National Food Authority (NFA) , gulay at karne.

Nasa 27 pesos kada kilo ang benta sa NFA rice. Ang mga gulay naman ay mas mura ng 5 pesos hanggang 10 pesos kada kilo, at karne ng baboy at manok na mas mura ng 10 pesos hanggang 20 pesos kada kilo.

Ani ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, “Bumili na sila ngayon, kung kaya nila, daamihan nila, magstock na sila for christmas”. Ipinayo rin ang pagtingin ng mabuti sa expiration date bago bilhin ang mga produkto. Kabilang ang mga fruit cocktail, pasta, spaghetti at tomato sauce na karaniwang tumatagal at hindi masisira ng ilan taon.

Simple man o engrande ang paskong darating, mas masaya parin basta’t sama-sama ang buong pamilya at magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang natanggap.

Ibang-iba talaga ang pasko sa Pinas. Basta’t nagmamahalan at nagtutulungan tayo, tulad nga ng sabi sa kanta, “Ang pag-ibig naghahari”.

KD | G11 STEM-A|CCNHS

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started