Division of Cauayan City: Ipapanalo ang RSPC 2018

Sa paparating na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2018 sa Nobyembre na gaganapin sa Ilagan City, kasalukuyang naghahanda at nagsasanay ang mga repreentatib ng Lungsod ng Cauayan.

 

Ang lungsod ay nagsasagawa ng Pre-RSPC Intensive Drills and Practice na tatagal mula Oktubre 22-28, 2018. Ito ay upang tutukan ang mga kalahok sa iba’t-ibang kategorya sa pagsusulat at pagpapahayag.

 

Pinangunahan nina Vangie Padilla, Ding Fugaban, Melvin Gascon, Ben Domingo at Liana Baro ang pagsasanay at paghahasa.

 

Determinado ang mga manlalahok na makakamit ng Division of Cauayan City ang kampyeonato. Lakas ng loob, disiplina, pagkakaisa at talino ang pormula ng bawat isa.

 

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

 

Advertisements

Presidente Duterte: Nagbigay Babala sa mga Lokal na Opisyal

Walang taong perpekto kaya nagkakamali tayo at nakagagawa ng mga bagay na pinagsisisihan natin. Ganunpaman, bakit nga ba nabibigo ang tao? Ang tao ay may iba’t-ibang lebel ng kasiyahan, nakadepende nalang ito sa karanasan.

Ayon sa bibliya ECLESIASTES 7:7 : “Dahil sa pininiil ay napakikilos na parang baliw ang marunong”
Ang tao sa una walang ka muwang muwang iyan. Gumanda ang pagpapatakbo ng tao dahil sa gabay ng Diyos. Dahil sa Bibliya,dahil sa mga nadiskubre at mga imbensiyon nito.

Ang tanong ko ngayon: Bakit nga ba nagkakamali ang tao?Teka,Ano ba’ng mga pagkakamali ang ating tinutukoy? Maraming uri ng pagkakamali sa Exam,hindi mo ma-perfect dahil hindi mo alam lahat. May mali din na paggamit ng isang bagay. Ngunit ang bibigyan ko ng pansin ay ang pagkabigo.

PAGKABIGO:magbibigay ako ng kaunting dahilan bakit nabibigo ang tao:

Nabibigo ang tao dahil mataas ang lebel ng INAASAHAN nito, Ang tao kasi, ang hilig umasa, likas na sa tao ang umasa. Hindi ka pa nabubuhay madami ng umaasa at madami ding nagpapasa.
Nabibigo ang tao dahil sa kakulangan sa kaalaman, magkakamali ka talaga kung hindi mo alam ang mga bagay bagay.
Nagbibigo ang tao dahil sa kakulangan sa abilidad, likas sa tao ang magkaroon ng kanya kanyang abilidad.
Nabibigo ang tao dahil hindi siya handa, bago ka sumabak dapat alam mo na handa ka na hindi lang sa pisikal pati mental at spiritwal handa ka.
Nabibigo ang tao dahil sa taas ng tingin niya sa kaniyang sarili, mayroon nga tayong kasabihang “Ang hindi marunong tumingin sa pinaggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan”.

Sa kabila ng lahat ng mga pagkabigo nito,walang ibang paran para hindi mabigo.Dahil walang taong perpekto,lahat nagkakamali.Ang nagsisilbing magandang paraan ay,Bumangon at subukang muli.Matuto sa mga pagkakamali,kung alam mo nang mali ‘wag mo ng subukan pa.Gumawa ng mas magandang paraan na walang masasaktang iba.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Mataas na pasahe sa mga UV Express, tinutukan ng LTFRB

Nang dahil sa dami ng reklamo mula sa mga pasahero, plinano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huliin ang mga UV Express operators na nagbibigay ng karagdagang bayarin sa pasahe.

Inamin ni LTFRB Chairman Martin Delgra na sila’y nakakatanggap ng mga reklamo sa mga overcharging na UV Express operators na bumabiyahe sa parte ng Cavite-Makati, Marikina-Cubao at sa ruta ng Fairview.

Ayon kay Delgra, tututukan nila ang mga UV Express operators na bumabaybay sa mga nasabing lugar.

Ang pagsisingil ng karagdagang pasahe ay sinasabing dulot ng sunod sunod na oil price hike sa mga nakaraang linggo.

Inaasahan namang magiging matagupay ang LTFRB sa plinanong panghuhuli.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

Isla ng Boracay, muling bubuksan sa publiko

Matapos ang anim na buwang paglilinis at pagsasaayos sa tinaguriang The ‘‘Crown Jewel Resort” Island of Boracay, muli na itong bubuksan sa publiko sa Biyernes, Oktubre 26.

Iniutos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagsasara sa Isla noong Abril sa kadahilanang malaki na ang pinsalang naidulot ng mga turistang bumibisita at pati narin ang mga imprastarkturang nakatayo sa rito.

Ang pagbabawas sa mga kainan at hotel at pagkontrol sa numero ng mga dadagsang turista ay ilan sa mga minimithi ng gobyerno na masunod sa pagbubukas.

Kasama rito ang inaasahang pagsunod ng mga turista sa mga bagong patakaran sa Isla. Ilan dito ay ang pagbabawal sa pagkakaroon ng big party tulad ng ‘LaBoracay’, paninigarilyo at paginom at ang paggamit ng apoy tulad ng fire dancing. Kasama rito ang mga polisiyang ‘No Booking, No Entry Policy’ at ‘No Compliance, No Opening Policy’.

Walang namang komento ang The Boracay Foundation sa mga naidagdag na patakaran sa muling pagbubukas ng Isla sa Biyernes.

Inaasahang magiging matagupay ang muling pagbubukas ng Isla matapos ang isinagawang sampung araw na dry run.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

LTFRB: Dinumog ng Petisyon sa Fare Hike

Ang naaprubahang pasahe sa dyip at bus, na inaasahang magsisimula sa ika-3 ng Nobyembre sa taong kasalukuyan, ay nakatanggap ng mga reklamo mula sa grupo ng mga pasahero. Sila ay naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ang fare hike noong Martes.
Naglabas ng minimum fare na P10 ang LTFRB sa dyip na bumabaybay sa parte ng Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Samantalang P11 naman para sa mga city bus.


Hindi pa tukoy kung ipagpapatuloy ang pagpapatupad sa fare hike sa kadahilanang may mga natanggap na reklamo patungkol dito. Pinangunahan nina Arlis Acao at United Filipino Consumers and Commuters Representative Rodolfo Javellana ang paghahain ng reklamo.

Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra III, kinakailangang pakinggang ang mga hinaing ng mga nagpataw ng petisyon.
Sa inihain na petisyon, binigyang diin nina Acao at Javellana na hindi makatarungan ang pagtaas sa pasahe kasabay ng pagkakaroon ng matataas na presyo ng bilihin sa merkado.

Kasunod pa nito ang paghahain nila ng impormasyon sa sweldo ng isang drayber sa Metro Manila na umaabot sa P512 ang kanilang naiipon mula sa kani-kanilang kita.
Tumugon dito ang presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines na si Zeny Maranan, sinabi nito na P300 lamang ang ipon ng bawat drayber sa isang araw.

Sa pahayag ni Javellana, sinasabi nitong hindi makatarungan na ipataw sa mga pasahero ang bayarin nang dahil lang sa tumaas ang presyo ng gasolina. Depensa pa nito na ang mga karaniwang pasahero ay walang trabaho, estudyante at senior citizens.

Patuloy pa ring dinidinig ang petisyon mula sa fare hike. Marami ang nagaabang na mga drayber at pasahero sa kung ano ang magiging desisyon.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

SRP sa Bigas: Ilalabas

Naglabas ang gobyerno ng mga Suggested Retail Prices (SRP) sa iba’t-ibang klase at barayti ng bigas na magsisimulang ipatupad sa Sabado, Oktubre 27. Ipinahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagbabago sa plano noong Martes.

Sa pagpapatupad ng reporma, nakasaad na nakalimita lamang sa apat na klase ng presyo ang iba’t-ibang barayti ng bigas ibebenta.

‘Well-Milled Rice’ ay maibebenta lamang sa halagang P39 per kilo. Sa imported ”Premium Rice” na may halagang P60 per kilo pataas ay maibebenta na lamang sa P43 per kilo. Ang Philippine Rice o ”Regular-Milled” ay nagkakahalaga ng di tataas sa P39 per kilo at ang ”Well-Milled” ay maibebenta sa P44 per kilo.

Wala namang naitalagang SRP sa mga espesyal na barayti ng bigas. Kasama rito ang mga Cordillera Heirloom Rice, Organic Brown, Red and Black Rice, Dinorado, Milagrosa, Jasponica, Dona Maria, Hinumay, Malido.

Sakop ng repormang iyon ang Metro Manila. Ang SRP sa ibang bilihan at rehiyon ay paguusapan sa susunod na linggo.

Ipagbabawal na rin ang iba’t-ibang klase ng tawag sa bigas tulad ng ”Sinandomeng”, ”Super Angelica” at ”Yummy”. Sa halip ay regular-milled, well-milled, premium at special na lamang ang gagamitin para sa mga bigas

Inaasahan ng gobyerno na masusunod ang repormang nailabas.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

“Work-from-home” Bill, inaprubahan na ng senado at House of Representatives

Ang Telecommuting Act of 2017 o kilala bilang “Work-from-Home” Bill ay ikinasa  na ng senado at house of representatives noong ika-22 ng Oktubre, taong 2018.

Magkakaroon na ng oportunidad ang mga manggagagawang Filipino na makapagtrabaho sa loob ng kani-kanilang tahanan sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng kompyuter na nakakonekta sa punong opisina ng kompanya dahil naaprubahan na ng senado at house of representatives ang “work-from-Home” Bill.

Naglalayong magbigay ito ng pagkakaroon  ng balanseng oras sa mga manggagawang Filipino sa pamamagitan ng paggamit sa oportunidad na pamahalaan ang kanilang oras sa pagtratrabaho.

Sa kasalukuyan, ang Telecommuting Act of 2017, hinihintay na lamang ito na mapirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte upang ito ay maging isang legal na batas ng bansang Pilipinas.

Inaaanyayahan ng kautusang ito ang mga manggagawang Filipino na ikonsidera ito, kung saan makakatulong ito sa kanila na kontrolin ang oras sa pagtratrabaho na kung saan maaari pa silang magtrabaho sa labas ng opisina na hindi na kinakailangan pang mag-commute.

Ayon sa gumawa at isponsor ng Telecommuting Act of 2017, na si Senador Joel Villanueva, ninanais ng kautusang ito na ipromota ang pagbabawas ng sasakyan sa traffic congestiom na nagaganap at pati narin ang pagkakaroon ng work-life balance ng bawat manggagawang Filipino sa ating bansa.

 

JB| G11 ABM -B| CCNHS

Cauayan City, kinilalang “First Smart City” sa pagpapatupad ng Online Billing and Payment

Ikinasa ng lungsod ng Cauayan ang pagbabayad ng mga Cauayeños ang kani-kanilang buwis online. Sinimulan ang pagpapatupad ng online billing and payment for real property taxes, ngayong ikatlong quarter ng taong 2018.

Isinagawa ang aksiyong ito, sa kadahilanang may mahabang listahan ng reklamo patungkol sa walang katapusang pila sa pagbabayad ng mga buwis. Ang proseso ng pagbabayad ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-login sa website ng lungsod ng Cauayan.

Bagama’t hindi lahat ng Cauayeño ay malakas na koneksyon sa internet at ideya kung papaano gamitin ang internet sa pagbabayad ng buwis, hindi maikakailang ang pagpapatupad ng pagbabayad ng buwis online ay isang kadahilanan upang mabawasan ang abala sa pagbabayad.

Sa pagpapatupad ng online billing and payment for real property taxes , nakakatulong ito sa pagiging kauna-unahang  Smart City sa probinsiya ng Isabela. Ang website ng lungsod ay matatagpuan sa onlineprt.cityofcauayan.gov.ph.

 

JB| G11 ABM B| CCNHS

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started