Kaibigan

Isa, dalawa, tatlo…

Tatlong araw na nang nagsimula ang aming semestrial break, tatlong araw na kung saan malayo sa mga balance sheets, ledgers, journals at calculators. Tatlong araw narin na hindi nasambit ang mga katagang, ”Balanse ko na!”.  At tatlong araw narin na hindi ko nakasama ang aking mga kaibigang walang humpay kung mag-ingay.

Bagama’t hindi ko nakasama ang aking minamahal na mga kaibigan, sa tatlong araw na iyon nabigyan naman ako ng pagkakataong magkaroon ng oras sa isa kong kaibigang matagal ko ng hindi nakasama — ang pagsusulat ng mga akda.

Sa semestrial break na ito, may nagaganap na workshop training para sa aming mga qualifiers ng Regional Shools Press Conference ( RSPC). Tila ba ilang taon akong hindi nakagawa ng isang akda dahil sa ako’y natutuwa. Tunay ngang pagsusulat ang isa sa aking gawaing kinagigiliwan.

Sa pagsasanay na ito, nabigyan kami ng pagkakataong matuto. Bilang isang kasapi ng Online Publishing, isang karangalan na kami ay hasain at sanayin. Hindi lamang sa larangan ng pagsusulat kung ‘di pati narin sa pagsasama at pagtutulungan.

Hindi lingid sa kaalaman kong hindi ako ganon kagaling upang gumawa ng akda, naranasan ko ng maisabak sa kompetisyon sa pagsusulat ng lathalain, artikulong patungkol sa siyensya, editoryal, isports at balita, at sa pagsasanay na ito alam kong mahahasa ko pa ang aking paggawa ng mga akda sa pamamagitan ng pakikinig sa aming kagalang-galang na tagapagsanay.

Pahinga ang katumbas ng semestrial break, hindi ko man nailalaan ang oras ko sa pagpapahinga ng wasto alam ko namang nagagawa ko naman ang bagay na gusto kong gawin.

Natutuwa akong sa mga susunod na pang mga araw ay wawaldasin ko ito sa aking kaibigan, at natutuwa akong bago ako magsimula muling magbalanse sa aking worksheet ay  may dala-dala akong alaala sa aking kaibigan, ang pagsusulat.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

Sembreak ko, ikabubuti ko!

Maraming estudyante ang hinihintay ang Semetrial break o sembreak. ‘Yung iba, nagdedesisyon na magbakasyon, magbeach, mamasyal at maraming pang iba. Tunay ngang iba ang saya ng mga estudyante dahil pinapahinga nila ang mga utak at sarili sa pag-aaral, kumbaga walang stress.

Noong una, marami na akong balak para sa darating na sembreak. Balak ko sanang umuwi sa probinsya at makasama ang mga kamag-anak ko roon. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin na dadaplis sa aking balat. Gusto ko ring takasan ang maingay at magulong syudad na pinanggalingan ko.

Ngunit meron din namang iba na hindi nila mararanasan ang sembreak, tulad ko. Dahil sa ginaganap na training para sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Ilagan City.  Sinasanay kami para mas mahasa pa ang aming mga kakayahan. Nagsasagawa ng mga writeshops at workshops para masanay ang mga estudyante. Sinusubok din an aming alisto sa oras.

Ngunit kahit ganon, hindi parin masasayang ang sembreak na ito dahil mas lilinangin pa nito ang aming abilidad. Nang sa ganon mas magiging handa kami sa darating na kompetisyon at sa maiuwi naming ang panalo. Kahit na yung iba naming nga kaklase ay masayang nagbabakasyon, mas pipiliin ko itong gawin dahil ako din ang makikinabang dito.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website with WordPress.com
Get started