UNDAS sa Cauayan, Handa na ba?

Bahagi na ng tradisyon nga mga Pilipino ang paggunita ng UNDAS o  Ang kapistahan ng Todos los Santos o Araw ng mga Santo. Buwan palang ng Oktubre, ay pinagplaplanuhan ng komunidad ng Cauayan kung paano mapapanatiling maayos at mapayapa ang  mga araw na iyon.

Ang mga paghahanda na ginagawa nila ay ang maagang paglilinis at pagpipintura ng mga nitso para hindi na sila makikipagsiksikan sa maraming tao. Naghahanda na rin ang bawat pamilya kung ano ang mga kakailanganin sa darating na  araw ng mga patay.

Inaayos na din nila ang mga kalsadang pwedeng daanan ng mga sasakyan para maging maayos ang traffic. Handa na rin ang kapulisan para makontrol ang syudad at hindi magkaroon ng anumang gulo at problema.

Ang pag-alala sa mga yumaong kapamilya ay isang paraan sa pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa kanila. Kahit  simpleng alay man, kahit wala na sila sa mundong ibabaw, mararamdaman nila na may halaga parin sila at inaalala parin sila ng mga naiwan nila.

Mahigit isang linggo nalang bago sumapit ang Araw ng mga Patay. Kahit simpleng handaan lang o kahit wala, basta’t bisitahin ang mahal sa buhay na nawala at samahan ito ng pagdarasal.  Sana’y maging tahimik ang paggunita natin sa UNDAS ngayong taon.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Advertisements

Undas sa Cauayan pinaghahandaan

Undas nanaman ,madaming nalulungkot at madami ding natutuwa, ang Undas o Todos Los Santos  o Pista ng mga patay, Halloween naman sa Ingles na ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre bilang paggunita sa lahat ng namayapa na.

Sa Cauayan, ang Undas ay pinaguusapan sa unang linggo palang ng Oktubre. Pati buong barkada nag-uusap upang bisitahin ang namayapa nilang kaibigan. Hindi ba’t nakakaantig ng puso? Hindi na mawawala sa kultura at puso ng Pilipino ang pagdiriwang tuwing undas.

Mawawala ba ang matamis na malagkit at mainit na pansit na karaniwang alay ng pamilya sa namayapang kamag-anak o kaibigan. Isa itong kaugalian ng mga Pilipino upang maipakita at maiparamdam nila ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa namayapang mahal sa buhay.

Kasama din sa kaugalian ang paglilinis ng puntod ng namayapa, kasabay nito nagsasama-sama ang buong pamilya upang Ipagdiwang ang Undas. Kung minsan pa nga ay doon na sila matutulog upang mas maiparamdam nila ang kanilang pagmamahal sa namayapang mahal sa buhay.

At pagsapit ng Linggo ang buong pamilya naman ay magsasama-sama upang magbigay ng panalangin sa namayapa. Nakakabilb lang makita na ganito ang nangyayaring Undas sa Cauayan, na talagang hindi na maalis sa kultura ng mga Pilipino.

Ngayong sasapit na ang Undas, marami na ang naghahanda upang gawin ang mga ito, yung iba ay nasasabik na dahil makakasama nila ang buong pamilya at ang namayapa na.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started