Pagkakamali, likha ng tao

Sa monotheismong pananaw, tayo’y nilikha ng Panginoon, lahat ng tao ay pare-pareho lamang. Walang naging perpektong tao at walang makaaabot sa ganoong antas. Sa siyentipikong pananaw naman, likas sa tao ang nagkakamali.

Ang ibig sabihin ng salitang “Perfect” , ayon sa Merriam-Webster Dictionary, isang kilalang diksyunaryo sa buong daigdig ay “Being entirely without fault or defect.” Ang mga pagkakamali sa ating mga aksyon, sadya man o hindi, ay kadalasan ang dahilan kung bakit tayo nakikita bilang isang pagkabigo sa mata ng ating kapuwa tao.

Kung tayo man ay magbabase sa dalawang pananaw na nabanggit, ang pagkakamali ay isa lamang sanhi ng pagigingng mapanghusga ng sangkatauhan. Lahat ng tao ay sining ng Panginoon at sining ng kaniya kaniyang magulang.

Sa kabila ng pagkakamali ay ang pagiging perpekto. Sa pag fit in sa ating lipunan na binubuo ng mga mapanghusgang tao, ng walang nakakapansin kundi sa ibang pananaw.

 

JS|G11 STEM-A|CCNHS

Advertisements

Ikaw ang bida sa tagumpay ng buhay

Bakit ba kailangang manalo? Anong pakiramdam ng manalo? Bakit gutom ang iba sa pagkapanalo? Bakit nga ba? Sa mundo, mayroon tayong tinatawag na KOMPETISYON na kung saan dapat manalo ka para maramdaman mo na mas angat ka kaysa sa iba,

 Ang tao kasi palaging uhaw yan, hindi sa paraang uhaw sa tubig kundi, uhaw sa atensiyon,gusto ng tao siya lang ang bida, siya lang ang napapansin, siya lang ang kilala, siya lang pinupuri. Na kung saan MALI. Maling mali dahil hindi naman dapat ganun hindi ba?

Dapat ang pagiging panalo maging sagrado iyan, sabihin nating palagi kang panalo, matagumpay ka na sa lahat, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo? Nakakabagot hindi ba? Parang ang buhay ay wala ng silbi. Wala kanang dahilan para mabuhay dahil lahat ng saya naranasan mo na.

Ang mundo ay puno ng kompetisyon na kung saan dapat ikaw ang kampeon. Sa buhay ng isang tao ikaw ang bida, ang sarap manalo kung lahat ay pinaghihirapan at lahat ay galing sa sariling pawis at pagod. Ang sarap manalo kung lahat ng pagsasakripisyo mo ay nakikita ng lahat. Kung lahat ng pagod at hirap mo ay nakikita ng lahat.

Ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na matagumpay ka sa paraang pinaghirapan mo,sa paraang ikaw ang naging dahilan ng lahat ng pagkapanalo mo. Hindi man kampeon, pero matagumpay. Likas na sa tao ang pagiging Kampeon, ikaw nalang ang gagawa kung paano mo ito papatunayan.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Nabigo? bumangon ka, huwag liliko

Walang taong perpekto kaya nagkakamali tayo at nakagagawa ng mga bagay na pinagsisisihan natin.Ganunpaman,bakit nga ba nabibigo ang tao?Ang tao ay may iba’t-ibang lebel ng kasiyahan,nakadepende nalang ito sa karanasan.

Ayon sa bibliya ECLESIASTES 7:7 : “Dahil sa pininiil ay napakikilos na parang baliw ang marunong”

Ang tao sa una walang ka muwang muwang iyan.Gumanda ang pagpapatakbo ng tao dahil sa gabay ng Diyos.Dahil sa Bibliya,dahil sa mga nadiskubre at mga imbensiyon nito.

Ang tanong ko ngayon:Bakit nga ba nagkakamali ang tao?Teka,Ano ba’ng mga pagkakamali ang ating tinutukoy?Maraming uri ng pagkakamali sa Exam,hindi mo ma-perfect dahil hindi mo alam lahat.May mali din na paggamit ng isang bagay.Ngunit ang bibigyan ko ng pansin ay ang pagkabigo.

PAGKABIGO:magbibigay ako ng kaunting dahilan bakit nabibigo ang tao:

  • Nabibigo ang tao dahil mataas ang lebel ng INAASAHAN nito,Ang tao kasi,ang hilig umasa,likas na sa tao ang umasa.Hindi ka pa nabubuhay madami ng umaasa at madami ding nagpapasa.
  • Nabibigo ang tao dahil sa kakulangan sa kaalaman,magkakamali ka talaga kung hindi mo alam ang mga bagay bagay.
  • Nagbibigo ang tao dahil sa kakulangan sa abilidad,likas sa tao ang magkaroon ng kanya kanyang abilidad.
  • Nabibigo ang tao dahil hindi siya handa,bago ka sumabak dapat alam mo na handa ka na hindi lang sa pisikal pati mental at spiritwal handa ka.
  • Nabibigo ang tao dahil sa taas ng tingin niya sa kaniyang sarili,mayroon nga tayong kasabihang “Ang hindi marunong tumingin sa pinaggalingan,ay hindi makakarating sa paroroonan”.

 Sa kabila ng lahat ng mga pagkabigo nito,walang ibang paran para hindi mabigo.Dahil walang taong perpekto,lahat nagkakamali.Ang nagsisilbing magandang paraan ay,Bumangon at subukang muli.Matuto sa mga pagkakamali,kung alam mo nang mali ‘wag mo ng subukan pa.Gumawa ng mas magandang paraan na walang masasaktang iba.</p

Undas sa Cauayan pinaghahandaan

Undas nanaman ,madaming nalulungkot at madami ding natutuwa, ang Undas o Todos Los Santos  o Pista ng mga patay, Halloween naman sa Ingles na ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre bilang paggunita sa lahat ng namayapa na.

Sa Cauayan, ang Undas ay pinaguusapan sa unang linggo palang ng Oktubre. Pati buong barkada nag-uusap upang bisitahin ang namayapa nilang kaibigan. Hindi ba’t nakakaantig ng puso? Hindi na mawawala sa kultura at puso ng Pilipino ang pagdiriwang tuwing undas.

Mawawala ba ang matamis na malagkit at mainit na pansit na karaniwang alay ng pamilya sa namayapang kamag-anak o kaibigan. Isa itong kaugalian ng mga Pilipino upang maipakita at maiparamdam nila ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa namayapang mahal sa buhay.

Kasama din sa kaugalian ang paglilinis ng puntod ng namayapa, kasabay nito nagsasama-sama ang buong pamilya upang Ipagdiwang ang Undas. Kung minsan pa nga ay doon na sila matutulog upang mas maiparamdam nila ang kanilang pagmamahal sa namayapang mahal sa buhay.

At pagsapit ng Linggo ang buong pamilya naman ay magsasama-sama upang magbigay ng panalangin sa namayapa. Nakakabilb lang makita na ganito ang nangyayaring Undas sa Cauayan, na talagang hindi na maalis sa kultura ng mga Pilipino.

Ngayong sasapit na ang Undas, marami na ang naghahanda upang gawin ang mga ito, yung iba ay nasasabik na dahil makakasama nila ang buong pamilya at ang namayapa na.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Paraiso ng Claveria, pampamilya!

Sembreak na! May napag-usapan naba kayong pupuntahan ngayong bakasyon? Hindi ba abot-kaya ang naglalayuang Beach? Bakit ‘di mo subukang pumunta sa magandang lugar ng Claveria, Cagayan!

Ang Claveria Cagayan ay inaabot ng 283 km ang layo mula Cauayan,Ang Claveria  Cagayan ay mayroong isang puntahan na kung tawagin ay Taggat Lagoon, ang Taggat Lagoon nakung tawagin ng mga taga Claveria ay “The Next Boracay”.Talagang nakakamangha ang bawat sulok ng Lagoon.

Ang nasabing lugar ay puno ng yamang tubig, at malulusog na isda. Isa ito sa pinakamagandang puntahan. Inaabangan din ng karamihan ang paglubog ng araw sa Lagoon na nagsisilbing kaligayahan ng matatanda at maging ng mga bata tuwing sasapit ang takip-silim.

Sa Taggat Lagoon kasabay mong maliligo ang mga naggagandahang isda, ang tubig ay kalmado lamang. At talagang mabubusog ang mata mo sa puno ng magagandang tanawin.Ayon sa Trip Advisor Philippines,ang Taggat Lagoon ay may rankong 4.0 Stars Excellent.

Puno ito ng kulutra ng mga Pilipino, nagsasalo-salo ang mga mamayan tuwing gabi kahit walang mahalagang pagdiriwang talagang nakakalambot ng puso ang mga tao sa Claveria. Marami din silang tinatagong mga kwentong Alamat at kasaysayan ng kanilang lugar.

Maliit lamang ang lugar ng Claveria ngunit punong-puno ito ng mga nakakamanghang tanawin. Nakakabilib din ang mga piyesa ng mga nagpipinta sa lugar na ito.

Puno ng bundok ang lugar na ito at talagang nakakaantig ang mga tanawin. Kung gusto mong maramdaman ang presensiya ng kalikasan ang Taggat Lagoon ang bagay sayo. Ano pang hinihintay mo larga na!!!

 

CD| G11 STEM-A|CCNHS

TNC nasa Cauayan na!

Ayon sa Entertainment Sports. Ang TheNet.Com ay isang grupo ng mga Pilipinong Gamer na sumikat dahil sa paglalaro ng Defense of The Acients 2 (DOTA2). Ang grupong TNC ay nanalo sa The Internationals noong 2016, at kauna-unahang mga Pilipino na tumapak sa Southeast Asia Qualifiers.

Dahil sa kasikatan nagtayo sila ng sarili nilang computer shop at ngayon ay kumakalat na sa buong Pilipinas pati sa Cauayan.Mayroon itong higit 300 Shop sa kasalukuyan at maari pang madagdagan.Nitong nakaraan lang ay nagbukas ang TNC Cauayan ng bagong Computer Shop sa tapat ng Isabela States University(ISU).F.N. Dy Boulevard Cauayan City,Isabela.

Ang TNC Cauayan ay isang Computer Shop na Air Condition at mayroon silang higit na 70 na PC.Sa kasalukuyan,nagbukas sila ng Open Tournament para sa larong DOTA2 at LoL.Parehas itong Online Games na talagang kinaadikan ng mga Kabataan.At talaga namang inabangan ng karamihan ang patimplak na ito.

Ayon sa post ng TNC Cauayan sa kanilang Facebook page ay ang bawat mananalo sa nasabing patimpalak ay ang marerepresenta sa darating na TheNet.Com Internationals sa buong Pilipinas.

Sa ngayon ang TNC Cauayan ay kasalukuyang nagbibigay ng Promo sa bawat miyembro ng nasabing shop.Kaya naman naeenganyo ang mga Customer sa pagpunta sa TNC Cauayan.

Kakaiba ang kanilang Shop dahil sa buong Cauayan sila lang ang may Mascot na talagang kinakaaliwan ng mga kabataan at matatnda.Napakaganda ng  kanilang Tema lalo na ang kanilang serbisyo talagang isa ito sa ipinagmamalaki na Computer Shop sa Cauayan.

 

CD| G11 STEM-A| CCNHS

 

Kawayan bagong kainan atin ng puntahan!

Kainan, kapag naririnig mo ang kainan ano ang unang pumapasok sa isip mo? Papasok dito ang Reunion, pagsasama-sama ng buong pamilya, Barkada at iba pa.

Kapag may kainan hindi papahuli ang mga Pilipino sa bagay na iyan. Talagang masarap naman kumain lalo na kung maganda ang destinasyon ng kinakainan mo. Sa buong Region II umaangat na ang Cauayan pagdating sa kainan,dahil sa dami ng turista at mga bumibisita sa lugar na ito.

Cauayan madami ng masasarap na kainan? Bilang isang batang mamamayan ng Cauayan talagang hindi na nakakagulat na mabalitaan ang ganitong bagay. Bilang isang batang mamayan hindi maipagkakaila na talagang masarap ang mga kainan sa Cauayan.

Kailan lang may mga bagong bukas na kainan sa Cauayan, Ang Yellow Cab. Ang Yellow Cab pagdating sa Manila isa itong dinadayo ng mga turista. Nitong nakaraan lang nagbukas ang Yellow Cab sa Cauayan,hindi ba’t napakagandang halimbawa ito para umangat pa ang Cauayan pagdating sa mga sikat na Kainan sa Region II.

Ayon sa Trip Advisor Philppines, sa buong Cauayan nangunguna ang Aling Luring’s Goto & Serkele, umaabot ng 4.5 Excellent ang ranko nito. Bilang isang batang mamamayan talagang masarap kumain sa lugar na ito.Dahil sa mga kakaibang putaheng inihahain ng kainan na ito.

Nakikita din ang Kultura ng Pilipino dahil sa mga iba’t-ibang tema ng Kainan mayroong pang Chinese ang Hap Chan, Mang Inasal na maaring magkamay upang mas maging masarap ang kain ng grupo.

Bilang isang batang mamamayan ng Cauayan masasabi kong talagang masasarap ang mga kainan sa Cauayan, dahil galing sa puso ang kanilang pagluluto at hindi lang dahil sa kakaibang mga putahe dahil sa mga palamuti ng bawat kainan.

CD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

 

Kaibigan

Isa, dalawa, tatlo…

Tatlong araw na nang nagsimula ang aming semestrial break, tatlong araw na kung saan malayo sa mga balance sheets, ledgers, journals at calculators. Tatlong araw narin na hindi nasambit ang mga katagang, ”Balanse ko na!”.  At tatlong araw narin na hindi ko nakasama ang aking mga kaibigang walang humpay kung mag-ingay.

Bagama’t hindi ko nakasama ang aking minamahal na mga kaibigan, sa tatlong araw na iyon nabigyan naman ako ng pagkakataong magkaroon ng oras sa isa kong kaibigang matagal ko ng hindi nakasama — ang pagsusulat ng mga akda.

Sa semestrial break na ito, may nagaganap na workshop training para sa aming mga qualifiers ng Regional Shools Press Conference ( RSPC). Tila ba ilang taon akong hindi nakagawa ng isang akda dahil sa ako’y natutuwa. Tunay ngang pagsusulat ang isa sa aking gawaing kinagigiliwan.

Sa pagsasanay na ito, nabigyan kami ng pagkakataong matuto. Bilang isang kasapi ng Online Publishing, isang karangalan na kami ay hasain at sanayin. Hindi lamang sa larangan ng pagsusulat kung ‘di pati narin sa pagsasama at pagtutulungan.

Hindi lingid sa kaalaman kong hindi ako ganon kagaling upang gumawa ng akda, naranasan ko ng maisabak sa kompetisyon sa pagsusulat ng lathalain, artikulong patungkol sa siyensya, editoryal, isports at balita, at sa pagsasanay na ito alam kong mahahasa ko pa ang aking paggawa ng mga akda sa pamamagitan ng pakikinig sa aming kagalang-galang na tagapagsanay.

Pahinga ang katumbas ng semestrial break, hindi ko man nailalaan ang oras ko sa pagpapahinga ng wasto alam ko namang nagagawa ko naman ang bagay na gusto kong gawin.

Natutuwa akong sa mga susunod na pang mga araw ay wawaldasin ko ito sa aking kaibigan, at natutuwa akong bago ako magsimula muling magbalanse sa aking worksheet ay  may dala-dala akong alaala sa aking kaibigan, ang pagsusulat.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

Semestrial Break na! Nasasabik ka na ba?

Kapag Semestrial Break karamihan sa mga mag-aaral ay nasasabik. Dahil bakasyon nanaman at madami nanaman silang oras para makapaglaro. Mayroon ding nalulungkot dahil ayaw nilang magtagal sa kanilang sari-sariling tahanan.

Noong una ang inaasahan kong Sem-Break ay nakakabagot lamang dahil wala akong inaasahang mga training na ganito.Ang training na magagamit ko sa maraming bagay hindi lang para sa kompetisyon pati narin sa mga gawain sa paaralan.

Ang Sem-Break ko sa unang taon ko sa mataas na paaralan ay masasabi lamang sa tatlong salita : masaya at nakakasabik.Masaya sa paraang natututo ako habang nagbabakasyon at nakakasabakik naman sa paraang madami-rami kaming natututo.

Masasabi ko ding ang Sem-break ko ay kulang sa tulog ko dahil sa mga kaibigan kong maiingay magdamagang Video Call at paguusap, kahit na malayo kami sa isa’t-isa pakiramdam namin magkakasama padin kami.

Ang Sem-break na’to ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa aking Senior High School(SHS) ko dahil sa mga nangyayari sa linggong ito. Hindi man ito ganoon kasaya sa inaasahan ng karamihan ngunit puno naman ito ng mga kaalaman at mga kabuluhang mga gawain.

Ang ibang araw ng Sem-break ko ay hindi naman ganoon kahalaga, ang balak ko sa mga araw na iyon ay ang magpahinga ng maayos,bumawi sa lahat ng puyat ko at pagod ko.Uuwi ako sa Echague upang mabigyan ko naman nang oras ang aking pamliya at mga alaga ko sa bahay.

Kaunti man ang oras ko para makasama sila sisiguraduhin kong magiging masaya iyon, bilang panganay papasayahin ko sila. Hindi ko man sila makasama ng matagal, gusto kong maipadama sa kanila na mahal na mahal ko sila bilang Kuya nila at tumatayong Tatay sa kanila.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started