Virtual World: Isang pagtakas sa realidad

 

Simula pagkabata, nais na nating mamuhay sa isang paraiso. Paraisong walang gulo, walang problema at walang digmaan. Gusto mong mamuhay ng walang bawal. Malaya kang gawin ang lahat. Sino ba ang ayaw mabuhay sa isang viritual world?

Sa paggamit nito, pwede mong kontrolin ang  pagtanda mo at buhay mo. Pwede mong gawin ang gusto mong gawin ng walang pumipigil sa iyo. Hindi ba’t mas maganda ang ganitong  buhay?

Ngunit may maidudulot ding masama ang paggamit ng virtual world. Maaapektuhan ang ugali ng isang tao na gumagamit nito dahil sa iba’t ibang nakikita dito. Mas magiging matapang at agresibo ang pag-uugaling ipapakita ng isang tao.

Dapat tayong mamulat sa realidad ng buhay. Huwag nating iaasa ang ating buhay sa virtual na mundo. Mas maniwala ka sa makakaya mong gawin. Mas masayang mabuhay sa realidad kaysa sa pagpapanggap.

Advertisements

UNDAS sa Cauayan, Handa na ba?

Bahagi na ng tradisyon nga mga Pilipino ang paggunita ng UNDAS o  Ang kapistahan ng Todos los Santos o Araw ng mga Santo. Buwan palang ng Oktubre, ay pinagplaplanuhan ng komunidad ng Cauayan kung paano mapapanatiling maayos at mapayapa ang  mga araw na iyon.

Ang mga paghahanda na ginagawa nila ay ang maagang paglilinis at pagpipintura ng mga nitso para hindi na sila makikipagsiksikan sa maraming tao. Naghahanda na rin ang bawat pamilya kung ano ang mga kakailanganin sa darating na  araw ng mga patay.

Inaayos na din nila ang mga kalsadang pwedeng daanan ng mga sasakyan para maging maayos ang traffic. Handa na rin ang kapulisan para makontrol ang syudad at hindi magkaroon ng anumang gulo at problema.

Ang pag-alala sa mga yumaong kapamilya ay isang paraan sa pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa kanila. Kahit  simpleng alay man, kahit wala na sila sa mundong ibabaw, mararamdaman nila na may halaga parin sila at inaalala parin sila ng mga naiwan nila.

Mahigit isang linggo nalang bago sumapit ang Araw ng mga Patay. Kahit simpleng handaan lang o kahit wala, basta’t bisitahin ang mahal sa buhay na nawala at samahan ito ng pagdarasal.  Sana’y maging tahimik ang paggunita natin sa UNDAS ngayong taon.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Cauayan City, handa na ba sa RSPC?

Bawat isa ay may angking talino at abilidad na tinataglay, mayroong magaling sa pagsayaw at pagkanta, magaling sa pagpinta, at mayroon din sa pagsusulat ng mga balita sa pahayagan. Taglay ng bawat isa ang mga abilidad na ito kaya dapat ay mas mahasa pa ang kanilang mga sarili.

Taon-taon, isinasagawa ang Regional Schools Press Conference o RSPC na ang ibig sabihin ay ang paglaban-laban ng iba’t-ibang paaralan sa buong Rehiyon 2. Ito ay dinadaluhan ng mga estudyanteng may angking talino sa journalism.

Ang mga kalahok ng Cauayan City sa darating na RSPC ay nagsimula ng magkaroon ng matitinding ensayo na pinangungunahan ng mga batikan sa larangan ng journalism. Talagang matinding ensayo ang pinagdaraanan ng mga kalahok dahil sinusukat ang kanilang dedikasyon, time-management, Teamwork at disiplina.

Gusto ng Cauayan City na masungkit muli ang tagumpay at hindi mababago ang kanilang puwesto. Handa na muli ang lungsod sa paparating na laban na gaganapin sa lungsod na Ilagan sa susunod na buwan.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

No helmet, No driving Policy

Ang bawat biyahe ng buhay ay mahalaga. Kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng isang tao. Isinilang at nabuhay tayo sa mundong ibabaw upang gampanan ang ating tungkulin bilang Anak ng Panginoong Diyos. Ngunit ano ang mga simpleng paraan para magawa ito?

Dito sa Cauayan City, naaprubahan na ang NO HELMET, NO DRIVING POLICY sa pagtupad ng Republic Act 10054 o mas kilala bilang “Motorcycle Helmet Act of 2009” na ipinatupad ng Philippine National  Police (PNP) na sinasabi rito na lahat ng mga motorcycle riders ay nakasuot ng helmet habang nagmamaneho.

Hinimok ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang mga motorcycle riders na bumabiyahe sa mga lansangan sa lungsod na magsuot ng helmet para sa kanila kaligtasan at para hindi na sila mahuli nga mga awtoridad at magbayad ng kaukulang multa.

Hindi bat mas masaya ang pagmamaneho ng walang problema? Ang pagsunod sa simpleng batas ay magdadala sayo sa kaayusan at ilalayo ka sa kapahamakan. Ang mga kabutihang dulot ng pagsunod sa mga bansa ay kapayapaan, maging panatag ang mga mamamayan, maging maunlad ang bayan, maging malinis ang bayan, at maging malusog ang mga mamamayan.

Ipinahiram lang ang buhay na meron ka ngayon. Dapat pangalagaan at mahalin ito. Isang buhay lang ang meron tayo. Huwag ipagbahala ang mga batas na makakabuti rin sa iyo. Sabi nga nila, “Nasa huli ang pagsisisi”.

KD|G11 STEM-A|CCNHS

Huwag magdalawang isip, huwag kainin ang plastic

“PLASTIC”,kadalasang naririnig natin na isa sa mga dahilan ng pagdami ng basura sa ating mga kapaligiran. Ngunit ano nga ba ang plastic? Isang bagay na kadalasang makikita natin pakalat-kalat sa ating kapaligiran. Ito’y ginagamit natin sa ating mga pangaraw-araw na gawain at karamihan ng mga gamit natin ay gawa sa plastic.

Sa panahon ngayon, pati na din ang mga pinaglalagyan ng ating mga binibili nating pagkain ay gawa sa plastic. Kapag bumibili ng mga karne, isda, at mga gulay, inilalagay nalang natin Sa mga supot. Hindi mo ba alam na ang plastic ay gawa sa iba’t-ibang kemikal?

Ayon sa yamang tubig blog , Hindi natin maipagkakaila na ang plastic ay binubuo ng mga makapaminsalang mga kemikal sa kalusugan tulad ng Bisphenol A, Phthalates, Vinyl Chloride, Dioxin, at Styrene. Itong mga kemikal na ito ay maaring makapagdulot ng cancer at problema sa paglaki ng isang nilalang.

Ang pagtatapon ng plastic sa mga ilog at dagat ay nakakaapekto din sa pagiging kontaminado ng mga pagkain lalo na ang mga isda at iba pang mga nilalang sa katubigan. Itong mga kemikal na ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang tirahan. At kapag nakain na ang mga ito, may masamang epekto sa ating katawan.

Meron ding mga alternatibong paraan na pwedeng lalagayan ng mga bilihin. Gaya ng Magdala ng sariling lalagyan, gaya ng mga baunan at mga malilinis na papel na pambalot. Magdali rin ng sarili basket para hindi na magbitbit ng maraming plastic.

Maging maingat sa iyong sarili. Kahit na masarap ang iyong mga kinakain, mas mabuti paring isaalang-alang ang seguridad ng iyong sarili at pamilya.

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Sembreak ko, ikabubuti ko!

Maraming estudyante ang hinihintay ang Semetrial break o sembreak. ‘Yung iba, nagdedesisyon na magbakasyon, magbeach, mamasyal at maraming pang iba. Tunay ngang iba ang saya ng mga estudyante dahil pinapahinga nila ang mga utak at sarili sa pag-aaral, kumbaga walang stress.

Noong una, marami na akong balak para sa darating na sembreak. Balak ko sanang umuwi sa probinsya at makasama ang mga kamag-anak ko roon. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin na dadaplis sa aking balat. Gusto ko ring takasan ang maingay at magulong syudad na pinanggalingan ko.

Ngunit meron din namang iba na hindi nila mararanasan ang sembreak, tulad ko. Dahil sa ginaganap na training para sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Ilagan City.  Sinasanay kami para mas mahasa pa ang aming mga kakayahan. Nagsasagawa ng mga writeshops at workshops para masanay ang mga estudyante. Sinusubok din an aming alisto sa oras.

Ngunit kahit ganon, hindi parin masasayang ang sembreak na ito dahil mas lilinangin pa nito ang aming abilidad. Nang sa ganon mas magiging handa kami sa darating na kompetisyon at sa maiuwi naming ang panalo. Kahit na yung iba naming nga kaklase ay masayang nagbabakasyon, mas pipiliin ko itong gawin dahil ako din ang makikinabang dito.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Epekto ng makabagong teknolohiya: Sa bagong henerasyon sumisira

Ngayong taong kasalukuyan, ang ating buhay ay nakasalalay na sa teknolohiya. Nagagamit ito sa bahay, sa eskuwela at sa marami pang iba. Tunay ngang tinatangkilik ng mga tao ang paggamit nito dahil mas napapadali at mas napapagaan ang mga gawin.

Ang mga batang may edad ng dalawang taong gulang pataas ay kinamulatan na ang teknolohiya. Kasama na nila ito sa paglaki. Imbes na maglaro at makipaglaro sa ibang bata ay mas pinipili nilang magkulong sa bahay at maglaro ng gadgets. Minsan pa’y hindi  na nila nagagawa ang kanilang mga responsibilidad.

Ayon sa doctor, inilabas ng pag-aaral na 30% ng madalas gumagamit ng gadyet ay nagiging ‘obese’ o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high blood, o heart attack. Maaari ring humina ang pag-unlad ng memorya at kakayahang magpokus ng bata. Dulot ito ng kawalan  ng mga panahong matuto sa ibang bagay.

 

“Ang brain development ng bata early on, nakapakabili. As the child is growing, kailangan ng stimulation, and the main one would be environmental.  Environment would include touch, social human interaction, movement nature.  ‘yon ang nawawala pag naggagadyet sila” ayon kay Reysio-Cruz

Dr. Mark Reysio Cruz Photo Credits to: twitter.com
Dr. Mark Reysio Cruz Photo Credits to: twitter.com

Kapag inalis ang gadget mula sa bata, mainam na mas bigyang pansin ang mga aktibidad tulas ng paglalaro ng sports, pag-aaral ng mga ibat-ibang musical instruments, o kaya nama’y hikayatin ang mga batang magbasa at matuto sa sining gaya ng pagguhit o pagpinta. Makakatulong ang mga ito para malawak at mapaunlad ang murang pag-iisip.

Bata, batang nakakaawa dahil sa murang edad palang ay nahaharap na niya ang mundo ng teknolohiya. Ayaw mo bang maranasan ang mga panahong pupunasan ka ng iyong ina ang iyong pawis dahil galing ka sa arawan? Ayaw mo bang maranaan ang magkaroon ng maraming kaibigan? Imulat ang mata, huwag kang magpapabulag sa teknolohiya.

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS
Continue reading “Epekto ng makabagong teknolohiya: Sa bagong henerasyon sumisira”

Paskong Darating; Gaano kamahal ang pasko ng Cauayeño?

 

Lumalamig na ang panahon ngayon dahil palapit ng palapit na ang pasko. Kasama na sa kultura nating pilipino na ang maghanda para sa pasko. Ito ang paraan natin para magsama-sama  ang pamilya pagsapit ng noche buena.

Nasasabik na ang mga bata na sumama sa pagbili ng  pang-noche buena. Ngunit magigng masaya ba ang pasko kung ang mga presyo ng bilihin ay tataas? Ano nalang ang mabibili niyo kung nagtaas ng 10% hanggang 15% ang presyo ng mga bilihin?

Ayon sa DTI (Department of Trade and Industry) , hinihikayat nila ang mga mamayang pilipino na bumili na ng mas maaga ng mga kakailanganin sa pasko. Ang “Rolling Stores” kung saan ibinebenta ang murang bigas ng National Food Authority (NFA) , gulay at karne.

Nasa 27 pesos kada kilo ang benta sa NFA rice. Ang mga gulay naman ay mas mura ng 5 pesos hanggang 10 pesos kada kilo, at karne ng baboy at manok na mas mura ng 10 pesos hanggang 20 pesos kada kilo.

Ani ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, “Bumili na sila ngayon, kung kaya nila, daamihan nila, magstock na sila for christmas”. Ipinayo rin ang pagtingin ng mabuti sa expiration date bago bilhin ang mga produkto. Kabilang ang mga fruit cocktail, pasta, spaghetti at tomato sauce na karaniwang tumatagal at hindi masisira ng ilan taon.

Simple man o engrande ang paskong darating, mas masaya parin basta’t sama-sama ang buong pamilya at magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang natanggap.

Ibang-iba talaga ang pasko sa Pinas. Basta’t nagmamahalan at nagtutulungan tayo, tulad nga ng sabi sa kanta, “Ang pag-ibig naghahari”.

KD | G11 STEM-A|CCNHS

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started