Lumalamig na ang panahon ngayon dahil palapit ng palapit na ang pasko. Kasama na sa kultura nating pilipino na ang maghanda para sa pasko. Ito ang paraan natin para magsama-sama ang pamilya pagsapit ng noche buena.
Nasasabik na ang mga bata na sumama sa pagbili ng pang-noche buena. Ngunit magigng masaya ba ang pasko kung ang mga presyo ng bilihin ay tataas? Ano nalang ang mabibili niyo kung nagtaas ng 10% hanggang 15% ang presyo ng mga bilihin?
Ayon sa DTI (Department of Trade and Industry) , hinihikayat nila ang mga mamayang pilipino na bumili na ng mas maaga ng mga kakailanganin sa pasko. Ang “Rolling Stores” kung saan ibinebenta ang murang bigas ng National Food Authority (NFA) , gulay at karne.
Nasa 27 pesos kada kilo ang benta sa NFA rice. Ang mga gulay naman ay mas mura ng 5 pesos hanggang 10 pesos kada kilo, at karne ng baboy at manok na mas mura ng 10 pesos hanggang 20 pesos kada kilo.
Ani ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, “Bumili na sila ngayon, kung kaya nila, daamihan nila, magstock na sila for christmas”. Ipinayo rin ang pagtingin ng mabuti sa expiration date bago bilhin ang mga produkto. Kabilang ang mga fruit cocktail, pasta, spaghetti at tomato sauce na karaniwang tumatagal at hindi masisira ng ilan taon.
Simple man o engrande ang paskong darating, mas masaya parin basta’t sama-sama ang buong pamilya at magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang natanggap.
Ibang-iba talaga ang pasko sa Pinas. Basta’t nagmamahalan at nagtutulungan tayo, tulad nga ng sabi sa kanta, “Ang pag-ibig naghahari”.
KD | G11 STEM-A|CCNHS
Leave a Reply