Pagkakamali, likha ng tao

Sa monotheismong pananaw, tayo’y nilikha ng Panginoon, lahat ng tao ay pare-pareho lamang. Walang naging perpektong tao at walang makaaabot sa ganoong antas. Sa siyentipikong pananaw naman, likas sa tao ang nagkakamali.

Ang ibig sabihin ng salitang “Perfect” , ayon sa Merriam-Webster Dictionary, isang kilalang diksyunaryo sa buong daigdig ay “Being entirely without fault or defect.” Ang mga pagkakamali sa ating mga aksyon, sadya man o hindi, ay kadalasan ang dahilan kung bakit tayo nakikita bilang isang pagkabigo sa mata ng ating kapuwa tao.

Kung tayo man ay magbabase sa dalawang pananaw na nabanggit, ang pagkakamali ay isa lamang sanhi ng pagigingng mapanghusga ng sangkatauhan. Lahat ng tao ay sining ng Panginoon at sining ng kaniya kaniyang magulang.

Sa kabila ng pagkakamali ay ang pagiging perpekto. Sa pag fit in sa ating lipunan na binubuo ng mga mapanghusgang tao, ng walang nakakapansin kundi sa ibang pananaw.

 

JS|G11 STEM-A|CCNHS

Advertisements

Ikaw ang bida sa tagumpay ng buhay

Bakit ba kailangang manalo? Anong pakiramdam ng manalo? Bakit gutom ang iba sa pagkapanalo? Bakit nga ba? Sa mundo, mayroon tayong tinatawag na KOMPETISYON na kung saan dapat manalo ka para maramdaman mo na mas angat ka kaysa sa iba,

 Ang tao kasi palaging uhaw yan, hindi sa paraang uhaw sa tubig kundi, uhaw sa atensiyon,gusto ng tao siya lang ang bida, siya lang ang napapansin, siya lang ang kilala, siya lang pinupuri. Na kung saan MALI. Maling mali dahil hindi naman dapat ganun hindi ba?

Dapat ang pagiging panalo maging sagrado iyan, sabihin nating palagi kang panalo, matagumpay ka na sa lahat, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo? Nakakabagot hindi ba? Parang ang buhay ay wala ng silbi. Wala kanang dahilan para mabuhay dahil lahat ng saya naranasan mo na.

Ang mundo ay puno ng kompetisyon na kung saan dapat ikaw ang kampeon. Sa buhay ng isang tao ikaw ang bida, ang sarap manalo kung lahat ay pinaghihirapan at lahat ay galing sa sariling pawis at pagod. Ang sarap manalo kung lahat ng pagsasakripisyo mo ay nakikita ng lahat. Kung lahat ng pagod at hirap mo ay nakikita ng lahat.

Ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na matagumpay ka sa paraang pinaghirapan mo,sa paraang ikaw ang naging dahilan ng lahat ng pagkapanalo mo. Hindi man kampeon, pero matagumpay. Likas na sa tao ang pagiging Kampeon, ikaw nalang ang gagawa kung paano mo ito papatunayan.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Virtual World: Isang pagtakas sa realidad

 

Simula pagkabata, nais na nating mamuhay sa isang paraiso. Paraisong walang gulo, walang problema at walang digmaan. Gusto mong mamuhay ng walang bawal. Malaya kang gawin ang lahat. Sino ba ang ayaw mabuhay sa isang viritual world?

Sa paggamit nito, pwede mong kontrolin ang  pagtanda mo at buhay mo. Pwede mong gawin ang gusto mong gawin ng walang pumipigil sa iyo. Hindi ba’t mas maganda ang ganitong  buhay?

Ngunit may maidudulot ding masama ang paggamit ng virtual world. Maaapektuhan ang ugali ng isang tao na gumagamit nito dahil sa iba’t ibang nakikita dito. Mas magiging matapang at agresibo ang pag-uugaling ipapakita ng isang tao.

Dapat tayong mamulat sa realidad ng buhay. Huwag nating iaasa ang ating buhay sa virtual na mundo. Mas maniwala ka sa makakaya mong gawin. Mas masayang mabuhay sa realidad kaysa sa pagpapanggap.

Nabigo? bumangon ka, huwag liliko

Walang taong perpekto kaya nagkakamali tayo at nakagagawa ng mga bagay na pinagsisisihan natin.Ganunpaman,bakit nga ba nabibigo ang tao?Ang tao ay may iba’t-ibang lebel ng kasiyahan,nakadepende nalang ito sa karanasan.

Ayon sa bibliya ECLESIASTES 7:7 : “Dahil sa pininiil ay napakikilos na parang baliw ang marunong”

Ang tao sa una walang ka muwang muwang iyan.Gumanda ang pagpapatakbo ng tao dahil sa gabay ng Diyos.Dahil sa Bibliya,dahil sa mga nadiskubre at mga imbensiyon nito.

Ang tanong ko ngayon:Bakit nga ba nagkakamali ang tao?Teka,Ano ba’ng mga pagkakamali ang ating tinutukoy?Maraming uri ng pagkakamali sa Exam,hindi mo ma-perfect dahil hindi mo alam lahat.May mali din na paggamit ng isang bagay.Ngunit ang bibigyan ko ng pansin ay ang pagkabigo.

PAGKABIGO:magbibigay ako ng kaunting dahilan bakit nabibigo ang tao:

  • Nabibigo ang tao dahil mataas ang lebel ng INAASAHAN nito,Ang tao kasi,ang hilig umasa,likas na sa tao ang umasa.Hindi ka pa nabubuhay madami ng umaasa at madami ding nagpapasa.
  • Nabibigo ang tao dahil sa kakulangan sa kaalaman,magkakamali ka talaga kung hindi mo alam ang mga bagay bagay.
  • Nagbibigo ang tao dahil sa kakulangan sa abilidad,likas sa tao ang magkaroon ng kanya kanyang abilidad.
  • Nabibigo ang tao dahil hindi siya handa,bago ka sumabak dapat alam mo na handa ka na hindi lang sa pisikal pati mental at spiritwal handa ka.
  • Nabibigo ang tao dahil sa taas ng tingin niya sa kaniyang sarili,mayroon nga tayong kasabihang “Ang hindi marunong tumingin sa pinaggalingan,ay hindi makakarating sa paroroonan”.

 Sa kabila ng lahat ng mga pagkabigo nito,walang ibang paran para hindi mabigo.Dahil walang taong perpekto,lahat nagkakamali.Ang nagsisilbing magandang paraan ay,Bumangon at subukang muli.Matuto sa mga pagkakamali,kung alam mo nang mali ‘wag mo ng subukan pa.Gumawa ng mas magandang paraan na walang masasaktang iba.</p

Abala sa online, dapat iwasan

Namulat na tayo sa bagong ekonomiya ng ating mundo. Nabubuhay na tayo sa tulong ng mga teknolohiya. Mapa-bahay, maba-trabaho, o mapa-eskuwela. Lahat ng tao sa paligid mo ay gumagamit na ng makabagong teknolohiya.

Sa panahon natin ngayon madami nang mga makabagong teknolohiya ang nabubo at isa na dito ang internet at social media kung saan ay nakakatulong sa atin ang paggamit nito sa pagaaral, pagsasaliksik at komunikasyon na mayroong negatibo at positibong epekto sa ating mga mamamayan na gumagamit nito

Kapag may narinig na salitang “online”, malawak ang ibig sabihin nito Isa rin itong daan sa pakikipagkomunikasyon sa mga mahal sa buhay na malalayo.

Mayroon din na hindi magandang epekto ito sa mga kabataan at isa na roon ang pagiging tamad ng isang bata. Halimbawa  nalang kapag inutusan ka ng nanay mo, ngunit dahil tutok ka sa online ang sasabihin mo ay “wait lang”. Ang salitang ito ay paulit-ulit mong sasabihin hanggang sa hindi mo na magawa ang pinapagawa sayo ng iyong nanay.

Tunay ngang isang distraksyon ang online, dahil mas ginagawa niyang tama dang mga tao. imbes na makakatulong ito, ay kabaliktaran pa ang naidudulot nito. Bilang isang tao, dapat  matutuhan ang pagiging responsible. Dapat bigyan ng limit ang online.

KD|G11 STEM-A|CCNHS

Division of Cauayan City: Ipapanalo ang RSPC 2018

Sa paparating na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2018 sa Nobyembre na gaganapin sa Ilagan City, kasalukuyang naghahanda at nagsasanay ang mga repreentatib ng Lungsod ng Cauayan.

 

Ang lungsod ay nagsasagawa ng Pre-RSPC Intensive Drills and Practice na tatagal mula Oktubre 22-28, 2018. Ito ay upang tutukan ang mga kalahok sa iba’t-ibang kategorya sa pagsusulat at pagpapahayag.

 

Pinangunahan nina Vangie Padilla, Ding Fugaban, Melvin Gascon, Ben Domingo at Liana Baro ang pagsasanay at paghahasa.

 

Determinado ang mga manlalahok na makakamit ng Division of Cauayan City ang kampyeonato. Lakas ng loob, disiplina, pagkakaisa at talino ang pormula ng bawat isa.

 

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

 

Presidente Duterte: Nagbigay Babala sa mga Lokal na Opisyal

Walang taong perpekto kaya nagkakamali tayo at nakagagawa ng mga bagay na pinagsisisihan natin. Ganunpaman, bakit nga ba nabibigo ang tao? Ang tao ay may iba’t-ibang lebel ng kasiyahan, nakadepende nalang ito sa karanasan.

Ayon sa bibliya ECLESIASTES 7:7 : “Dahil sa pininiil ay napakikilos na parang baliw ang marunong”
Ang tao sa una walang ka muwang muwang iyan. Gumanda ang pagpapatakbo ng tao dahil sa gabay ng Diyos. Dahil sa Bibliya,dahil sa mga nadiskubre at mga imbensiyon nito.

Ang tanong ko ngayon: Bakit nga ba nagkakamali ang tao?Teka,Ano ba’ng mga pagkakamali ang ating tinutukoy? Maraming uri ng pagkakamali sa Exam,hindi mo ma-perfect dahil hindi mo alam lahat. May mali din na paggamit ng isang bagay. Ngunit ang bibigyan ko ng pansin ay ang pagkabigo.

PAGKABIGO:magbibigay ako ng kaunting dahilan bakit nabibigo ang tao:

Nabibigo ang tao dahil mataas ang lebel ng INAASAHAN nito, Ang tao kasi, ang hilig umasa, likas na sa tao ang umasa. Hindi ka pa nabubuhay madami ng umaasa at madami ding nagpapasa.
Nabibigo ang tao dahil sa kakulangan sa kaalaman, magkakamali ka talaga kung hindi mo alam ang mga bagay bagay.
Nagbibigo ang tao dahil sa kakulangan sa abilidad, likas sa tao ang magkaroon ng kanya kanyang abilidad.
Nabibigo ang tao dahil hindi siya handa, bago ka sumabak dapat alam mo na handa ka na hindi lang sa pisikal pati mental at spiritwal handa ka.
Nabibigo ang tao dahil sa taas ng tingin niya sa kaniyang sarili, mayroon nga tayong kasabihang “Ang hindi marunong tumingin sa pinaggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan”.

Sa kabila ng lahat ng mga pagkabigo nito,walang ibang paran para hindi mabigo.Dahil walang taong perpekto,lahat nagkakamali.Ang nagsisilbing magandang paraan ay,Bumangon at subukang muli.Matuto sa mga pagkakamali,kung alam mo nang mali ‘wag mo ng subukan pa.Gumawa ng mas magandang paraan na walang masasaktang iba.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Mataas na pasahe sa mga UV Express, tinutukan ng LTFRB

Nang dahil sa dami ng reklamo mula sa mga pasahero, plinano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huliin ang mga UV Express operators na nagbibigay ng karagdagang bayarin sa pasahe.

Inamin ni LTFRB Chairman Martin Delgra na sila’y nakakatanggap ng mga reklamo sa mga overcharging na UV Express operators na bumabiyahe sa parte ng Cavite-Makati, Marikina-Cubao at sa ruta ng Fairview.

Ayon kay Delgra, tututukan nila ang mga UV Express operators na bumabaybay sa mga nasabing lugar.

Ang pagsisingil ng karagdagang pasahe ay sinasabing dulot ng sunod sunod na oil price hike sa mga nakaraang linggo.

Inaasahan namang magiging matagupay ang LTFRB sa plinanong panghuhuli.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

UNDAS sa Cauayan, Handa na ba?

Bahagi na ng tradisyon nga mga Pilipino ang paggunita ng UNDAS o  Ang kapistahan ng Todos los Santos o Araw ng mga Santo. Buwan palang ng Oktubre, ay pinagplaplanuhan ng komunidad ng Cauayan kung paano mapapanatiling maayos at mapayapa ang  mga araw na iyon.

Ang mga paghahanda na ginagawa nila ay ang maagang paglilinis at pagpipintura ng mga nitso para hindi na sila makikipagsiksikan sa maraming tao. Naghahanda na rin ang bawat pamilya kung ano ang mga kakailanganin sa darating na  araw ng mga patay.

Inaayos na din nila ang mga kalsadang pwedeng daanan ng mga sasakyan para maging maayos ang traffic. Handa na rin ang kapulisan para makontrol ang syudad at hindi magkaroon ng anumang gulo at problema.

Ang pag-alala sa mga yumaong kapamilya ay isang paraan sa pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa kanila. Kahit  simpleng alay man, kahit wala na sila sa mundong ibabaw, mararamdaman nila na may halaga parin sila at inaalala parin sila ng mga naiwan nila.

Mahigit isang linggo nalang bago sumapit ang Araw ng mga Patay. Kahit simpleng handaan lang o kahit wala, basta’t bisitahin ang mahal sa buhay na nawala at samahan ito ng pagdarasal.  Sana’y maging tahimik ang paggunita natin sa UNDAS ngayong taon.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started