Undas sa Cauayan pinaghahandaan

Undas nanaman ,madaming nalulungkot at madami ding natutuwa, ang Undas o Todos Los Santos  o Pista ng mga patay, Halloween naman sa Ingles na ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre bilang paggunita sa lahat ng namayapa na.

Sa Cauayan, ang Undas ay pinaguusapan sa unang linggo palang ng Oktubre. Pati buong barkada nag-uusap upang bisitahin ang namayapa nilang kaibigan. Hindi ba’t nakakaantig ng puso? Hindi na mawawala sa kultura at puso ng Pilipino ang pagdiriwang tuwing undas.

Mawawala ba ang matamis na malagkit at mainit na pansit na karaniwang alay ng pamilya sa namayapang kamag-anak o kaibigan. Isa itong kaugalian ng mga Pilipino upang maipakita at maiparamdam nila ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa namayapang mahal sa buhay.

Kasama din sa kaugalian ang paglilinis ng puntod ng namayapa, kasabay nito nagsasama-sama ang buong pamilya upang Ipagdiwang ang Undas. Kung minsan pa nga ay doon na sila matutulog upang mas maiparamdam nila ang kanilang pagmamahal sa namayapang mahal sa buhay.

At pagsapit ng Linggo ang buong pamilya naman ay magsasama-sama upang magbigay ng panalangin sa namayapa. Nakakabilb lang makita na ganito ang nangyayaring Undas sa Cauayan, na talagang hindi na maalis sa kultura ng mga Pilipino.

Ngayong sasapit na ang Undas, marami na ang naghahanda upang gawin ang mga ito, yung iba ay nasasabik na dahil makakasama nila ang buong pamilya at ang namayapa na.

CD|G11 STEM-A|CCNHS

Advertisements

Isla ng Boracay, muling bubuksan sa publiko

Matapos ang anim na buwang paglilinis at pagsasaayos sa tinaguriang The ‘‘Crown Jewel Resort” Island of Boracay, muli na itong bubuksan sa publiko sa Biyernes, Oktubre 26.

Iniutos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagsasara sa Isla noong Abril sa kadahilanang malaki na ang pinsalang naidulot ng mga turistang bumibisita at pati narin ang mga imprastarkturang nakatayo sa rito.

Ang pagbabawas sa mga kainan at hotel at pagkontrol sa numero ng mga dadagsang turista ay ilan sa mga minimithi ng gobyerno na masunod sa pagbubukas.

Kasama rito ang inaasahang pagsunod ng mga turista sa mga bagong patakaran sa Isla. Ilan dito ay ang pagbabawal sa pagkakaroon ng big party tulad ng ‘LaBoracay’, paninigarilyo at paginom at ang paggamit ng apoy tulad ng fire dancing. Kasama rito ang mga polisiyang ‘No Booking, No Entry Policy’ at ‘No Compliance, No Opening Policy’.

Walang namang komento ang The Boracay Foundation sa mga naidagdag na patakaran sa muling pagbubukas ng Isla sa Biyernes.

Inaasahang magiging matagupay ang muling pagbubukas ng Isla matapos ang isinagawang sampung araw na dry run.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

Cauayan City, handa na ba sa RSPC?

Bawat isa ay may angking talino at abilidad na tinataglay, mayroong magaling sa pagsayaw at pagkanta, magaling sa pagpinta, at mayroon din sa pagsusulat ng mga balita sa pahayagan. Taglay ng bawat isa ang mga abilidad na ito kaya dapat ay mas mahasa pa ang kanilang mga sarili.

Taon-taon, isinasagawa ang Regional Schools Press Conference o RSPC na ang ibig sabihin ay ang paglaban-laban ng iba’t-ibang paaralan sa buong Rehiyon 2. Ito ay dinadaluhan ng mga estudyanteng may angking talino sa journalism.

Ang mga kalahok ng Cauayan City sa darating na RSPC ay nagsimula ng magkaroon ng matitinding ensayo na pinangungunahan ng mga batikan sa larangan ng journalism. Talagang matinding ensayo ang pinagdaraanan ng mga kalahok dahil sinusukat ang kanilang dedikasyon, time-management, Teamwork at disiplina.

Gusto ng Cauayan City na masungkit muli ang tagumpay at hindi mababago ang kanilang puwesto. Handa na muli ang lungsod sa paparating na laban na gaganapin sa lungsod na Ilagan sa susunod na buwan.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Paraiso ng Claveria, pampamilya!

Sembreak na! May napag-usapan naba kayong pupuntahan ngayong bakasyon? Hindi ba abot-kaya ang naglalayuang Beach? Bakit ‘di mo subukang pumunta sa magandang lugar ng Claveria, Cagayan!

Ang Claveria Cagayan ay inaabot ng 283 km ang layo mula Cauayan,Ang Claveria  Cagayan ay mayroong isang puntahan na kung tawagin ay Taggat Lagoon, ang Taggat Lagoon nakung tawagin ng mga taga Claveria ay “The Next Boracay”.Talagang nakakamangha ang bawat sulok ng Lagoon.

Ang nasabing lugar ay puno ng yamang tubig, at malulusog na isda. Isa ito sa pinakamagandang puntahan. Inaabangan din ng karamihan ang paglubog ng araw sa Lagoon na nagsisilbing kaligayahan ng matatanda at maging ng mga bata tuwing sasapit ang takip-silim.

Sa Taggat Lagoon kasabay mong maliligo ang mga naggagandahang isda, ang tubig ay kalmado lamang. At talagang mabubusog ang mata mo sa puno ng magagandang tanawin.Ayon sa Trip Advisor Philippines,ang Taggat Lagoon ay may rankong 4.0 Stars Excellent.

Puno ito ng kulutra ng mga Pilipino, nagsasalo-salo ang mga mamayan tuwing gabi kahit walang mahalagang pagdiriwang talagang nakakalambot ng puso ang mga tao sa Claveria. Marami din silang tinatagong mga kwentong Alamat at kasaysayan ng kanilang lugar.

Maliit lamang ang lugar ng Claveria ngunit punong-puno ito ng mga nakakamanghang tanawin. Nakakabilib din ang mga piyesa ng mga nagpipinta sa lugar na ito.

Puno ng bundok ang lugar na ito at talagang nakakaantig ang mga tanawin. Kung gusto mong maramdaman ang presensiya ng kalikasan ang Taggat Lagoon ang bagay sayo. Ano pang hinihintay mo larga na!!!

 

CD| G11 STEM-A|CCNHS

No helmet, No driving Policy

Ang bawat biyahe ng buhay ay mahalaga. Kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng isang tao. Isinilang at nabuhay tayo sa mundong ibabaw upang gampanan ang ating tungkulin bilang Anak ng Panginoong Diyos. Ngunit ano ang mga simpleng paraan para magawa ito?

Dito sa Cauayan City, naaprubahan na ang NO HELMET, NO DRIVING POLICY sa pagtupad ng Republic Act 10054 o mas kilala bilang “Motorcycle Helmet Act of 2009” na ipinatupad ng Philippine National  Police (PNP) na sinasabi rito na lahat ng mga motorcycle riders ay nakasuot ng helmet habang nagmamaneho.

Hinimok ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang mga motorcycle riders na bumabiyahe sa mga lansangan sa lungsod na magsuot ng helmet para sa kanila kaligtasan at para hindi na sila mahuli nga mga awtoridad at magbayad ng kaukulang multa.

Hindi bat mas masaya ang pagmamaneho ng walang problema? Ang pagsunod sa simpleng batas ay magdadala sayo sa kaayusan at ilalayo ka sa kapahamakan. Ang mga kabutihang dulot ng pagsunod sa mga bansa ay kapayapaan, maging panatag ang mga mamamayan, maging maunlad ang bayan, maging malinis ang bayan, at maging malusog ang mga mamamayan.

Ipinahiram lang ang buhay na meron ka ngayon. Dapat pangalagaan at mahalin ito. Isang buhay lang ang meron tayo. Huwag ipagbahala ang mga batas na makakabuti rin sa iyo. Sabi nga nila, “Nasa huli ang pagsisisi”.

KD|G11 STEM-A|CCNHS

LTFRB: Dinumog ng Petisyon sa Fare Hike

Ang naaprubahang pasahe sa dyip at bus, na inaasahang magsisimula sa ika-3 ng Nobyembre sa taong kasalukuyan, ay nakatanggap ng mga reklamo mula sa grupo ng mga pasahero. Sila ay naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ang fare hike noong Martes.
Naglabas ng minimum fare na P10 ang LTFRB sa dyip na bumabaybay sa parte ng Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon. Samantalang P11 naman para sa mga city bus.


Hindi pa tukoy kung ipagpapatuloy ang pagpapatupad sa fare hike sa kadahilanang may mga natanggap na reklamo patungkol dito. Pinangunahan nina Arlis Acao at United Filipino Consumers and Commuters Representative Rodolfo Javellana ang paghahain ng reklamo.

Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra III, kinakailangang pakinggang ang mga hinaing ng mga nagpataw ng petisyon.
Sa inihain na petisyon, binigyang diin nina Acao at Javellana na hindi makatarungan ang pagtaas sa pasahe kasabay ng pagkakaroon ng matataas na presyo ng bilihin sa merkado.

Kasunod pa nito ang paghahain nila ng impormasyon sa sweldo ng isang drayber sa Metro Manila na umaabot sa P512 ang kanilang naiipon mula sa kani-kanilang kita.
Tumugon dito ang presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines na si Zeny Maranan, sinabi nito na P300 lamang ang ipon ng bawat drayber sa isang araw.

Sa pahayag ni Javellana, sinasabi nitong hindi makatarungan na ipataw sa mga pasahero ang bayarin nang dahil lang sa tumaas ang presyo ng gasolina. Depensa pa nito na ang mga karaniwang pasahero ay walang trabaho, estudyante at senior citizens.

Patuloy pa ring dinidinig ang petisyon mula sa fare hike. Marami ang nagaabang na mga drayber at pasahero sa kung ano ang magiging desisyon.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

TNC nasa Cauayan na!

Ayon sa Entertainment Sports. Ang TheNet.Com ay isang grupo ng mga Pilipinong Gamer na sumikat dahil sa paglalaro ng Defense of The Acients 2 (DOTA2). Ang grupong TNC ay nanalo sa The Internationals noong 2016, at kauna-unahang mga Pilipino na tumapak sa Southeast Asia Qualifiers.

Dahil sa kasikatan nagtayo sila ng sarili nilang computer shop at ngayon ay kumakalat na sa buong Pilipinas pati sa Cauayan.Mayroon itong higit 300 Shop sa kasalukuyan at maari pang madagdagan.Nitong nakaraan lang ay nagbukas ang TNC Cauayan ng bagong Computer Shop sa tapat ng Isabela States University(ISU).F.N. Dy Boulevard Cauayan City,Isabela.

Ang TNC Cauayan ay isang Computer Shop na Air Condition at mayroon silang higit na 70 na PC.Sa kasalukuyan,nagbukas sila ng Open Tournament para sa larong DOTA2 at LoL.Parehas itong Online Games na talagang kinaadikan ng mga Kabataan.At talaga namang inabangan ng karamihan ang patimplak na ito.

Ayon sa post ng TNC Cauayan sa kanilang Facebook page ay ang bawat mananalo sa nasabing patimpalak ay ang marerepresenta sa darating na TheNet.Com Internationals sa buong Pilipinas.

Sa ngayon ang TNC Cauayan ay kasalukuyang nagbibigay ng Promo sa bawat miyembro ng nasabing shop.Kaya naman naeenganyo ang mga Customer sa pagpunta sa TNC Cauayan.

Kakaiba ang kanilang Shop dahil sa buong Cauayan sila lang ang may Mascot na talagang kinakaaliwan ng mga kabataan at matatnda.Napakaganda ng  kanilang Tema lalo na ang kanilang serbisyo talagang isa ito sa ipinagmamalaki na Computer Shop sa Cauayan.

 

CD| G11 STEM-A| CCNHS

 

SRP sa Bigas: Ilalabas

Naglabas ang gobyerno ng mga Suggested Retail Prices (SRP) sa iba’t-ibang klase at barayti ng bigas na magsisimulang ipatupad sa Sabado, Oktubre 27. Ipinahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagbabago sa plano noong Martes.

Sa pagpapatupad ng reporma, nakasaad na nakalimita lamang sa apat na klase ng presyo ang iba’t-ibang barayti ng bigas ibebenta.

‘Well-Milled Rice’ ay maibebenta lamang sa halagang P39 per kilo. Sa imported ”Premium Rice” na may halagang P60 per kilo pataas ay maibebenta na lamang sa P43 per kilo. Ang Philippine Rice o ”Regular-Milled” ay nagkakahalaga ng di tataas sa P39 per kilo at ang ”Well-Milled” ay maibebenta sa P44 per kilo.

Wala namang naitalagang SRP sa mga espesyal na barayti ng bigas. Kasama rito ang mga Cordillera Heirloom Rice, Organic Brown, Red and Black Rice, Dinorado, Milagrosa, Jasponica, Dona Maria, Hinumay, Malido.

Sakop ng repormang iyon ang Metro Manila. Ang SRP sa ibang bilihan at rehiyon ay paguusapan sa susunod na linggo.

Ipagbabawal na rin ang iba’t-ibang klase ng tawag sa bigas tulad ng ”Sinandomeng”, ”Super Angelica” at ”Yummy”. Sa halip ay regular-milled, well-milled, premium at special na lamang ang gagamitin para sa mga bigas

Inaasahan ng gobyerno na masusunod ang repormang nailabas.

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

Kawayan bagong kainan atin ng puntahan!

Kainan, kapag naririnig mo ang kainan ano ang unang pumapasok sa isip mo? Papasok dito ang Reunion, pagsasama-sama ng buong pamilya, Barkada at iba pa.

Kapag may kainan hindi papahuli ang mga Pilipino sa bagay na iyan. Talagang masarap naman kumain lalo na kung maganda ang destinasyon ng kinakainan mo. Sa buong Region II umaangat na ang Cauayan pagdating sa kainan,dahil sa dami ng turista at mga bumibisita sa lugar na ito.

Cauayan madami ng masasarap na kainan? Bilang isang batang mamamayan ng Cauayan talagang hindi na nakakagulat na mabalitaan ang ganitong bagay. Bilang isang batang mamayan hindi maipagkakaila na talagang masarap ang mga kainan sa Cauayan.

Kailan lang may mga bagong bukas na kainan sa Cauayan, Ang Yellow Cab. Ang Yellow Cab pagdating sa Manila isa itong dinadayo ng mga turista. Nitong nakaraan lang nagbukas ang Yellow Cab sa Cauayan,hindi ba’t napakagandang halimbawa ito para umangat pa ang Cauayan pagdating sa mga sikat na Kainan sa Region II.

Ayon sa Trip Advisor Philppines, sa buong Cauayan nangunguna ang Aling Luring’s Goto & Serkele, umaabot ng 4.5 Excellent ang ranko nito. Bilang isang batang mamamayan talagang masarap kumain sa lugar na ito.Dahil sa mga kakaibang putaheng inihahain ng kainan na ito.

Nakikita din ang Kultura ng Pilipino dahil sa mga iba’t-ibang tema ng Kainan mayroong pang Chinese ang Hap Chan, Mang Inasal na maaring magkamay upang mas maging masarap ang kain ng grupo.

Bilang isang batang mamamayan ng Cauayan masasabi kong talagang masasarap ang mga kainan sa Cauayan, dahil galing sa puso ang kanilang pagluluto at hindi lang dahil sa kakaibang mga putahe dahil sa mga palamuti ng bawat kainan.

CD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

 

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started