Division of Cauayan City: Ipapanalo ang RSPC 2018

Sa paparating na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2018 sa Nobyembre na gaganapin sa Ilagan City, kasalukuyang naghahanda at nagsasanay ang mga repreentatib ng Lungsod ng Cauayan.

 

Ang lungsod ay nagsasagawa ng Pre-RSPC Intensive Drills and Practice na tatagal mula Oktubre 22-28, 2018. Ito ay upang tutukan ang mga kalahok sa iba’t-ibang kategorya sa pagsusulat at pagpapahayag.

 

Pinangunahan nina Vangie Padilla, Ding Fugaban, Melvin Gascon, Ben Domingo at Liana Baro ang pagsasanay at paghahasa.

 

Determinado ang mga manlalahok na makakamit ng Division of Cauayan City ang kampyeonato. Lakas ng loob, disiplina, pagkakaisa at talino ang pormula ng bawat isa.

 

JB|GRADE 11 ABM-B|CCNHS

 

Advertisements

Cauayan City, handa na ba sa RSPC?

Bawat isa ay may angking talino at abilidad na tinataglay, mayroong magaling sa pagsayaw at pagkanta, magaling sa pagpinta, at mayroon din sa pagsusulat ng mga balita sa pahayagan. Taglay ng bawat isa ang mga abilidad na ito kaya dapat ay mas mahasa pa ang kanilang mga sarili.

Taon-taon, isinasagawa ang Regional Schools Press Conference o RSPC na ang ibig sabihin ay ang paglaban-laban ng iba’t-ibang paaralan sa buong Rehiyon 2. Ito ay dinadaluhan ng mga estudyanteng may angking talino sa journalism.

Ang mga kalahok ng Cauayan City sa darating na RSPC ay nagsimula ng magkaroon ng matitinding ensayo na pinangungunahan ng mga batikan sa larangan ng journalism. Talagang matinding ensayo ang pinagdaraanan ng mga kalahok dahil sinusukat ang kanilang dedikasyon, time-management, Teamwork at disiplina.

Gusto ng Cauayan City na masungkit muli ang tagumpay at hindi mababago ang kanilang puwesto. Handa na muli ang lungsod sa paparating na laban na gaganapin sa lungsod na Ilagan sa susunod na buwan.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Sembreak ko, ikabubuti ko!

Maraming estudyante ang hinihintay ang Semetrial break o sembreak. ‘Yung iba, nagdedesisyon na magbakasyon, magbeach, mamasyal at maraming pang iba. Tunay ngang iba ang saya ng mga estudyante dahil pinapahinga nila ang mga utak at sarili sa pag-aaral, kumbaga walang stress.

Noong una, marami na akong balak para sa darating na sembreak. Balak ko sanang umuwi sa probinsya at makasama ang mga kamag-anak ko roon. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin na dadaplis sa aking balat. Gusto ko ring takasan ang maingay at magulong syudad na pinanggalingan ko.

Ngunit meron din namang iba na hindi nila mararanasan ang sembreak, tulad ko. Dahil sa ginaganap na training para sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Ilagan City.  Sinasanay kami para mas mahasa pa ang aming mga kakayahan. Nagsasagawa ng mga writeshops at workshops para masanay ang mga estudyante. Sinusubok din an aming alisto sa oras.

Ngunit kahit ganon, hindi parin masasayang ang sembreak na ito dahil mas lilinangin pa nito ang aming abilidad. Nang sa ganon mas magiging handa kami sa darating na kompetisyon at sa maiuwi naming ang panalo. Kahit na yung iba naming nga kaklase ay masayang nagbabakasyon, mas pipiliin ko itong gawin dahil ako din ang makikinabang dito.

 

KD|GRADE-11|STEM-A|CCNHS

Blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started